speech about my love life. AGAIN.

March 20, 2010

 

so, okay, this would be another cheesy enrty, so ready yourself. hahaha. OA MUCH!

its our last day in NSTP today, so one of my classmates decided to get his nstp shirt sign by all my mates, so a lot of my mates did the same, including me!

eto na yung cheesy part. ganito kase yun, sabi ni crush saken “dyane, mag sign ka din saken..” eh sa back ng shirt sila halos nag sign kaya sabi niya, “dito banda no” sabi niya sabay turo sa dibdib niya habang nakangiting parang aso. eh syempre kilig ang lola niyo, so mag susulat na dapat ako, eh narinig pala ng mga classmates namin yun, kaya hala! sige! tuksuhan! kaya ayun nahiya ako kaya nilikod ko siya, at dun nalang ako nag sulat. oo na, KJ ako. haha.

tapos habang nagsusulat ako sa back niya, “sensya pinagpapawisan ako, mainit eh. anh hot mo kase.” OKAY SERIOUSLY, that was funny and shocking. hahaha.

after nun, libot libot pa ko sa classroom, pinapa sign ko sila sa shirt ko, tapos, nung andyan siya ulet, “name here, sulat ka din saken..” tapos sumulat siya, sabi niya pa “oh walang mag rereact ahh” tapos nagsulat siya, tapos bigla tilian nanaman mga baliw kong mates. kaalis niya pinabasa ko ano sinulat niya, ganito.. “DK, INGAT, YAB U - ARS” oo. ganitong ganito, walang sobra, walang kulang. walang edit. hahaha.

tapos after lunch, may practice kaming ballroom for finals in PE, andun din siya, pero di ko siya ka group. nung nag rest kami from practicing, andun siya nakaupo sa may side, lumapit ako kase andun yung bag ko,  tapos sabi niya “dyane, sulat ka ulit dito..” sabay turo dun sa puso na naka drawing na ngayon sa dibdib niya. at oo, kinilig ulit ako. bakit ba, bawal? haha. pero dahil nga eengot engot ako pag kausap o kaharap ko crush ko, lalo na pag ganyan siyang makitungo saken, i tend to say the most stupid things like reject him or something, so sabi ko, “eh wala na akong susulat dyan eh, nasulat ko na sa likod.” “okay lang, nireserve ko pa man din to sayo. sige na..” so kinuha ko naman yung pen, tapos susulat na ako, kaso, ewan ko ba, alam mo ba yung feeling na nanginginig ka pag malapit ka masyado sa taong gusto mo? ganun! so, lumayo ulit ako, tapos sabi ko mamaya nalang dahil mag p-practice na kame ulit, which is actually true.*wink*

so ayun ganun, kinukulit pa din niya ko, kada break, pero wala, olats ang lola niyo, pakipot effect. haha. kaya ayun, hanggang umuwi siya, di na ko nakapag sulat pa dun sa heart. i know. gaga talaga ako. wag mo ng sabihin pa.

tsaka actually, okay lang naman yun, ayaw ko naman talaga bigyan ng meaning bawat ginagawa niya, baka maging dictionary ako kung magkaganun man. haha. mahirap na.tsaka may mga lalaking sadyang malandi lang talaga diba?

and im pretty sure, friend lang turing niya saken eh. yun lang naman mga cheesy eh, most of the times, nag aasaran at nagbabangayan kame eh. and take note, tintapik niya lagi ako sa ulo, pag inaaway ko na siya, parang kuya ko! diba! ganun nya ko tatruhin, tama ba yun! aysus. 

oh.. new update! kakcheck ko lang ng fb account ko, nagcomment siya dun sa isang pic ko na may kasama lang akong statue. haha.

yung naksulat na title nung picture “boyfriend ni dyane”

  

ou na. para na akong dictionary, simpleng bagay na ganito, na papangiti na ang puso ko. haha.

well, continue ko na story, so ayun nga pag kauwi ko, hinubad at binasa ko yung mga nakasulat dun sa shirt ko, at narealize ko, MALI PALA AKO.

akala ko masaya ako ngayon dahil sa nag i love you siya saken (crush), pero mas nangibabaw pala yung lungkot at sakit nang mabasa ko mga sinulat ng mga friends ko, yung mga simpleng i love you at i will miss you nila. 

sobra ko silang mahal na masakit para sakin na mahiwalay sa kanila. 

sobrang sakit lalo na nung basahin ko message ni ica na “may time pa para magbago ka ng decision, namamag -asa talaga ako na sana di ka na mag shift…”

SORRY NAMAN SA DRAMA.  it just hurts so much. the thought of not being with them. though in know, i will find new friends, iba pa din sila. 

 

 

 

hay ewan, alamat sa pagbasa ng napaka char na post na ito. GOODNIGHT!

Posted by hartyu at 9:37 pm | permalink | comments[7]