kapitan sino.

January 10, 2010

 

my cousin lend me his book “kapitan sino”. ive been craving to read it since they published it, and so i am glad that he has it! 

okay. magtatagalog na ako dahil ang post na ito ay para sa mga pilipino. mahal na mahal ko yang si Bob Ong. dahil hindi lang siya marunong magpatawa, naiintindihan niya pa ang lahat ng bagay na umiikot dito sa mundo, lalu na sa bansa natin. mulat siya sa mga bagay na ayaw nating pansinin, ayaw nating tanggapin, at ayaw nating baguhin. 

ang kapitan sino ay isang napakagandang istorya na naglalaman ng maraming kaisipan, kamulatan, kabayanihan. at oo inaamin ko, guilty ako sa mga ilan niyang sinabi. dito ko narealise na selfish nga at greed ang mga tao, at nakakalungkot isipin, na oo, ganun din ako.

 

and here, let me share to you some of the quotes i love:

 

“hindi naman kailangan ng maraming tao para bumuo ng mundo e. minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.”

 

“hindi ka bayani dahil sa mga kaya mong gawin, bayani ka dahil sa mga ginawa mo.”

 

“alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? hindi alam ng mga nakakakita kung kailan sila bulag…”

 

“naniniwala ka ba talaga sa mga sagot mo?”

 

“wag daw akong malungkot dahil mga panlabas na anyo lang ang hindi ko nakikita dahil mas makikilala mo daw ang mundo sa kung ano ito dahil hindi ka mabubulag sa mga anyo.”

 

“may kapangyarihan ka, pero hindi mo hawak ang buhay ng mga tao.”

 

“hindi kulang ang kapangyarihan ng mga tao. tayo ang kalabisan.”

 

“tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayanan ka at gusto mong tumulong. pero wag mong kakalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo maililigtas lahat ng tao.”

 

“tutulong ka lang sa kapwa… hindi mo kailangan ng pangalan.”

 

“naghahanap ang mga tao ng “iba” namagliligtas sakanila dahil hindi sila yung ‘iba’ na yun, walang nagbabago, walang may gustong magbago. naghihintay lang ang lahat sa ‘iba’, yung hindi nila katulad.”

 

“hindi hawak ng tao ang buhay, pero hawak ng tao ang kapangyarihan para hindi pahirapan ang ibang tao.”

 

“ang trahedya ng buhay ko? hindi ako nagkaroon ng kapangyarihan na makapagsabi ng tamang bagay sa tamang tao sa tamang panahon.”

 

“sa pagiging kapitan sino ko lang naisip na ang tanong ay hindi kung bakit magulo ang mundo kundi kung ano ang magagawa ko.”

 

 

 

 

that’s pretty much it. ciao!

Posted by hartyu at 8:39 pm | permalink

Previous Comments

aw dhil s mga quotes n yan prng gsto ko n rn mbli ng book n un, actually nkk inspire mga works nia, ang gling gling prang alam nia lhat ng nrrmdaman ng mga tao and defintely its true. :)

Posted by Cei (finkalixius) at January 11, 2010, 12:07 am

AHHHHH! Nabiten ako sa entry mong to!!!
I LOVE THIS!!!!! I LOVE THIS ENTRY!!! :)
Sayang 2010 na, hindi ko pa nga din nababasa yang utang na loob na librong yan! hahahah :)
Alagad din ako ni Bob Ong eh, ikaw din pala? wahahah ;)

Posted by dontstareatmesweetie at January 11, 2010, 11:31 am

“alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? hindi alam ng mga nakakakita kung kailan sila bulag…”

tama!tama!

Posted by yam at January 12, 2010, 3:42 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment