still random ..

October 30, 2009

 

hello vampires.

nababagot ako ngayon kaya magsusulat ako. 12:30 na ako nagising kanina sa dahilan na 4 na ako natulog dahil 3 na ako umuwi. (ou na, uwi ba ng matinong bababeng tulad ko yon? HINDE). may dahilan naman kase yun e. nagsimba kame sa ‘APO’(NOTE: ang APO ay parang QUIAPO sa maynila). pero dahil alam namin ng mga loko loko kong pinsan na kapag umaga na ay madami ng tao doon, nagpunta kami ng madaling araw. nagpunta kame ng ala una. pagkatapos naming magdasal ay bumili kame ng almusal at umuwi na. napakasaya. haha. at kung mapapansin ninyo ay nagtatagalog ako ngayon, at yun ay dahil hindi na ako marunong mag english.  dahil fiesta.

 

30 ngayon. 31 bukas. ibig sabihin ay halloween party bukas. pero dahil busy ang mga pinsan ko bukas. ngayon namin gagawin ang halloween party namen. mag h-house to house kame habang naka costume, at magbibigay kame ng candy. naiisip ko palang, ang saya na. XD

 

wag kayong mag alala dahil mag popost ako ng pictures. ang costume ko ay SADAKO. excited na ako!

 

 at dahil wala na akong maisip isulat.. mag babahagi nalang ako ng GM na quote na galing sa enhenyerong si rosas..

*SYMPTOMS OF BEING CERTIFIED SINGLE*

- mahilig kumain

- sanay sa outings

- tulog ng tulog

- TV/PC addict

- cellphone addict.. gm ng gm ng quotes

- laging nag d-daydreaming

- tumataba

- hilig gumala

- laging mukhang blooming

- no worries

*SYMPTOMS OF BEING CERTIFIED TAKEN*

- laging walang pera

- hindi na fresh

- hindi blooming

- walang social life

- B O R I N G

- pumapanget

- nagiging burara

- stress lage.. kaya tumatanda itsura

 

totoo man yan o hinde. maganda pa din ako. dahil single ako. haha. ano daw? :D

 

Posted by hartyu at 12:41 pm | permalink | Add comment