last na to, PROMISE *wink*

October 7, 2009

 

  

naranasan mo na bang maging invisible? ako OO. hindi sa maraming tao, kundi sa isang tao. sa iisang tao na pinaka gusto mong makita ka talaga. taong gusto mong mapansin  ka. siya ang dahilan kung bakit araw araw nagsusuklay ka, nagpapabango, nagpupulbos, naglilipgloss at nagpapaganda. siya yung tao na makita mo lang, kumpleto na araw mo. yung tipong isang ngiti niya lang, masaya ka na, kahit na pa hindi ikaw ang dahilan ng kasiyahan niya. ang hirap maging invisible. lalo na sa taong pilit kang nagpapakita, pero ayaw kang makita.. wala naman akong super powers para maging invisible, pero pagdating sakanya nagiging akong isa sa mga fantastic four. para akong hangin na andyan pero hindi makita. andiyan pero wala naman talaga. 

ngayon ko lang na isip na FAIR nga naman ang buhay, minsan ko nang pinaramdam sa isang tao na invisible siya. siguro kaya bumabalik sa akin ngayon. ayokong gawin yun, pero wala akong magawa. alam kong nandyan siya, di siya ‘invisible’, pero sa isip ko wala siya dahil ayaw ko siyang makita. wala siya dahil yun na ang nakaprogram sa pagkatao ko. masakit isipin na ngayon ganun ang nararamdaman ko. na ganun ang pinapadama sa akin. ou na. fair ang buhay. kaya nga may salitang ‘karma’ diba? nararapat lang siguro ito. ako ang dahilan ng lahat ng ito.

 

 

 

 

 

 NIGHT. :|

Posted by hartyu at 12:24 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment